Fredo of Cebu
Fredo, 47 years old, is a Yolanda survivor. Together with his wife and kids, Fredo lived comfortably in Tacloban for thirteen years – thanks to his tuba business and the extra income he gets from apartment rentals – until that faithful day in November 2013.
Thankfully, Fredo’s family were able to move to higher ground to avoid the severe flooding but his home was not spared.
When the water subsided and the noise cleared, the family was faced with a difficult decision if they should stay in Tacloban or move to Fredo’s hometown (Cebu) to start anew and get back on their feet.
“Sa isang iglap, nawala lahat ng nai-pundar naming mag-asawa. Hindi ko maipalawanag kung gaano kasakit ang naging karanasan namin noon. Hindi madali… Hindi naging madali para sa asawa’t mga anak ko ang mag desisyong lumipat sa Cebu. Sa Tacloban na kami nagkaron ng bahay, dito na lumaki ang mga anak ko at nandito rin ang hanapbuhay namin.
Matagal-tagal din kaming naka-recover matapos ang bagyong Yolanda. Noong 2014, nauna akong pumunta sa Cebu para maghanap ng hanapbuhay habang naiwan naman sa Tacloban ang aking mag-ina. Binenta ko ang aming sasakyan at ginamit ko ang pera para bumili ng baboy. Sa konting sipag at tiyaga, nang nakaipon na ako, pina-sunod ko na ang mag-anak ko dito sa Cebu matapos ang anim na buwan.
Malaking tulong na ako ang napili ng Pilmico para mabigyan ng mga biik. Sa ngayon po kasi, ang pinagkukunan namin ng pang araw-araw ay mula sa maliit naming tindahan. Ginamit ko ang pera na naipon ko sa pagbenta ng baboy noon para makapag-tayo ng sariling tindahan pero hindi pare-pareho ang kita. Hindi ito sapat sa pangangailangan naming pamilya.
Marami pa kaming pangarap para sa mga anak namin. Una na doon ang makatapos sila sa pag-aaral.
Naging masakit man ang naging karanasan namin noon dahil sa Yolanda, natutunan naming magtiwala lang sa Diyos at patuloy na magsikap para makamit namin ang mga pangarap namin.
Salamat sa Pilmico, ito na ata ang pangalawang pagkakataon na binigay sa amin ng Panginoon para makapagumpisa muli.”